You are viewing [info]anino7820's journal

anino7820's Journal
 
[Most Recent Entries] [Calendar View] [Friends]

Below are the 7 most recent journal entries recorded in anino7820's LiveJournal:

    Thursday, November 4th, 2004
    8:21 pm
    on my own

    Without me his world will go on turning
    A world that’s full of happiness that I have never known


    yan ang katotohanan!

    masakit talaga di ba?!

     



    Current Mood: melancholy
    Wednesday, October 27th, 2004
    6:45 pm
    wonderwall

    sobra na ang pag-iisip ko sa kanya! ayoko na pero dapat na lang makuntento kasi at least mas pinapansin niya na ako ngayon...

    and after all...you're my wonderwall



    Current Mood: lito na ako
    Wednesday, October 20th, 2004
    9:58 pm
    if love is blind...

    if love is blind then what are you?

    isang tanong na alam kong mahirap sagutin...

    siguro ang sagot ko:

    if love is blind then i must be nearsighted...

    langya naman!

    totoo, di pa naman ako bulag sa pag-ibig kasi may control pa ako sa

    ginagawa at sinasabi ko sa harapan niya...alam ko din naman kung bakit

    mahal ko siya, dahil siya ay siya, kahit magbago pa siya, kahit maging

    girl, boy, bakla, tomboy, butiki, o baboy man siya, mahal ko pa rin

    siya... pero ang di ko alam e kung bakit ito talaga ang nararamdaman ko

    para sa kanya at kahit anong pilit ng utak ko, na dati naman ay may

    hold sa lahat ng nararamdaman ko, e ngayon nandito pa rin ang lahat ng

    nararamdaman ko para sa kanya...kahit ilang beses na rin ang nasasaktan

    ng di naman niya nalalaman kung anong tunay na dahilan...

    ika nga ng direktor ng house of flying daggers...
    love is unexplainable.if you can explain it, then it is not love...


    ewan ko na lang... 


     



    Current Mood: contemplative
    9:51 pm
    di pa pala

    eto nanaman ako... nagpapakamartyr....

    akala ko wala na siyang gusto sa diyosa niya, un pala,kunwari lang un..
    kukunan ko pa nga ng litrato para sa kanya...

    at, bumalik pa ang crush niya sa matagal nang naging diyosa ng buhay

    niya....

    sige lang... may magagawa pa ba ako... kung malulungkot lang ako, wala

    din naman akong mapapala, kaya eto nanaman ang ngiting aso ko...

    malala pa nga kaninang lunch time kasi katabing-katabi ko ang crush

    niya! as in halos 4-5 inches apart na ung mga mukha naming dalawa...

    kapag pinagtritripan ka ba naman ng kapalaran....

    ayoko na...pero as usual, wala pa rin akong magagawa...siya talaga ang

    nasa isip ko, puso ko at kaluluwa ko... lalim... siya lang ang

    nakakaintindi sa akin, siya lang talaga...



    Current Mood: melancholy
    Friday, October 15th, 2004
    10:39 pm
    nakahang

    oo...alam ko na masyadong mushy itong lj ko pero ito lang ang isa sa

    mga paraan ko para mahiwalay ko muna ang sarili ko sa academics at

    pagkamanhid.... sa tingin kasi ng lahat anti-social ako, bato, sa

    grades ko lang umiikot ang mundo ko, kung totoo un de sana wala akong

    sinusulat dito at nasa site na ako ng encarta o kaya naman gumagawa ng

    database ng kung anumang subject... waste of time...

    pero bored ako... nakahang lang ako dito kasi ganun din ako....
    nakahang.... at naghihintay na merong umabot ng kamay niya para iakyat

    ako... o kaya naman meron sanang sumalo sa akin... hindi naman siya

    kinakailangan na maging ung tipo ng tao na galing sa typical na fairy

    tales... masaya na ako kay shrek... hindi siya ung tipo na sa unang

    tingin ay mabibihag na ang puso mo... pero... alam mong kapag sinalo ka

    na niya, di ka na niya pakakawalan pa... kasi mahalaga ka para sa

    kanya...

    ito nanaman ako... nagninilay-nilay tungkol sa KANYA....
    SAYANG talaga.. torpe kasi ako... wala nga akong kinakatakutan pero isa

    naman akong malaking DUWAG!!! isang malaking karuwagan ang aking

    kinatatakutan na mawala siya sa akin... kaya kuntento na ako na halos

    araw-araw ko siyang nakakausap at nakakasama...pero hanggang dito

    nalang ba talaga ito....

    Lagi naman kitang nakakasama
    Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa!
    Kahit na napakadali mong kausapin
    Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring aminin
    Madalas naman tayong naglolokohan
    Dinadaan ko lang sa biro ang tunay kong nararamdaman
    Kaya siguro hindi mo sineryoso ang aking mga sinabi
    ‘Yan tuloy walang nangyari!

    Kakalipas lamang ng isang sem
    Nung Makita kita na mayroon ibang kasama!
    Magkahawak ang inyong mga kamay!
    Ang dibdib ko ay sumikip!
    Ang paglunok ko ay biglang naipit!


    ang galing talaga ni chito miranda...nasasabi niya ang gusto kong

    sabihin sa hindi lang isa kundi sa halos lahat ng love songs na nagawa

    niya....

    kaninang hapon, nagulat ako... kasi pauwi na ako at nagmamadali at

    bigla niya ako binati... napa-"uy" na lang ako...pero sa

    loob-loob..."naisip at napansin din niya pala ako?!"...

    masaya na din ito...



    Current Mood: content
    Sunday, October 10th, 2004
    1:53 pm
    lumulubog

    kapag ang barkong sinasakyan mo, ng kaibigan mo, at ng taong mahal mo

    (na hindi alam na mahal mo siya) , ay biglang lumubog... at 2 life

    vests lang ang nakuha mo....

    suot mo na ang isang life vest at isa na lang ang hawak mo at
    nasa tubig na kayong tatlo...
    anong gagawin mo?


    ito ay isang sitwasyon na matagal ko nang ginawa sa utak ko, medyo

    complikado...
    DILEMMA...

    well, complikado din ang sagot ko pero nagulat ako dahil ang bilis kong

    naisip ito...

    ibibigay ko ang life vest na hawak ko sa taong mahal ko...
    tapos... tatanggalin ko ang suot-suot kong life vest at ibibigay ito sa

    kaibigan ko...


    gulat ka noh!!!


    explanation: malalaman ng taong mahal ko na siyempre...MAHAL KO SIYA...
          at iisipin niyang mas importante siya para sa akin kaysa  

         sa kaibigan ko...

          malalaman naman ng kaibigan ko na mas mahalaga pa siya  

         kaysa sa buhay ko... at totoo iyon....


    pero siyempre, case to case basis yan... kung hindi marunong lumangoy o

    lumutang ang kaibigan mo, SIYEMPRE, ibibigay mo agad ang hawak mong

    life vest sa kanya...


    o sige alis na ko, masyado ko nang dama 'to...

    _______________________________________________________________________

    oo nga pala, ang bangag ko talaga ng last post konadoble kasi bigla kong napost ung isa...

     



    Current Mood: blah
    Friday, October 1st, 2004
    9:38 pm
    patuloy na nahuhulog at unti-unting bumabagsak

    linya sa isang kanta: sana kahit minsan ay mapansin ako
       malaman mong kita'y mahal at yan ang totoo


    ang buhay ng isang tulay

    ako! ako! ako ang gagawa ng daan kahit harangan man ako ng tubig itutuloy ko pa rin  para lang mapasaya ko siya.
    pero papasok nanaman sa isip ko na hindi naman talaga ako ang nagpapasaya sa kanya. tulad ng sabi ko, daanan lang ako. dadaanan niya lang ako para
    makarating siya sa magpapasaya sa kanya. kahit na sa tingin ko eh un din mismong kaligayahan niya ang makakasakit sa kanya. padadaanin ko pa rin siya
    kasi gusto ko siya maging masaya. kahit ilang beses niya na akong natapaktapakan para makarating sa inaakala at nagpapa-asa sa kanya na kaligayahan.
    tulay lang talaga ako para sa kanya...


    title ng isang kanta: anino ng reyna

    ang anino

    lagi akong nasa tabi, harapan, at likod niya pero para bang madilim at di niya ako makita. sana nga kahit saglit lang, eh matapat ang flashlight niya sa akin. pero nong magagawa ko?
    anino lang ako at manhid bulag at bingi siya. paano nga naman niya makikita o maririnig na "hellerrr! andito ako! lagi naman akong nandito para sa 'yo. ikaw nalang ang hinihintay ko...."
    pero alam ko naman mabubulok lang ako sa kakahintay kasi tulad ng sabi ko, anino niya lang ako. malapit na malapit na sa kanya, pero kelan pa ba pinansin ng mga tao ang anino nila?


    ang pader

    ang sinasandalan mo. ang binubulungan mo. oo nga, hindi nga sumasagot ang pader. pano naman kasi ang binubulong mo nalang lagi ay tungkol sa kanya, ang maladiyosa niyang kagandahan, ang ngiti niya, at ang tikwas ng buhok niya.
    at pag un na ang usapan, mapapangiting aso nalang ako at mag-hahang... ewan ko ba kung matutuwa ako dahil masaya ka... o masasaktan dahil siya ang mahalaga sa iyo....
    parang binato mo ako ng sledge hammer...

    parang dinaanan ako ng lindol...gumuho nalang ang mundo ko...

     

     

    dilemma: kung sasabihin ko naman sa 'yo, alam kong lalayo ka na sa akin. maiilang ka at mawawala na ang pinahahalagahan kong pagkakaibigan natin. alam ko kasi hanggang doon na lang ang pag-asa ko sa 'yo...

     

    ang analogy ko sa pag-ibig

    kapag umibig ka, para ka na ring tumalon ng building.
    kapag nasa ere ka, ang sarap ng pakiramdam... para kang lumulutang..
    siyempre, lalo na kapag sinalo ka ng hangin.
    kung tama lang ang hangin para sa iyo, dadalhin ka niya sa nararapat mong destinasyon...
    pero kung may mali sa inyo, unti-unting mawawala ang hangin na nagdadala sa iyo at unti-unti ka ring babagsak.
    ang sakit na mararamdaman mo ay depende nalang sa kung hanggang saan ka niya sinamahan pababa.
    pero siyempre, kung tumalon ka at walang hangin...
    sa una lang masarap ang pakiramdam...
    pero habang papalapit ka na sa semento,
    unti-unti mong maiisip na "babagsak ako" at sumasama na ang pakiramdam mo.
    at pagbagsak mo sa semnto...MASAKIT!!!
    dahil alam mong walang sumalo sa 'yo....


    nagpipigil

    nasa tabi na nga kita...di pa kita mayakap
    kausap na nga kita...di ko pa masabi
    kung yayakapin kita...bigla kang maiilang at magtataka
    kung sabihin kong mahal kita...bigla kang mawawala na parang bula


     



    Current Mood: melancholy
About LiveJournal.com